May natuklasan ako lately. Gusto ko man sabihin sa taong involved ang natuklasan ko, naisip ko manahimik na lang at sarilin na lang ang pagkainis ko sa nalalaman ko. Ang rason--ang taong involved ay wala naman pinaniniwalaan maliban dun sa isa pang taong involved. At kahit na mejo obvious na may "singaw" sa mga bagay-bagay, at alam ko alam nya ito, nanatiling bulag pa din sya. ---Kung sya mismo ayaw buksan ang mata nya at in denial sa nangyayari---anong silbi ng alam ko. Anyway...nagngingitngit ako sa inis---pero alam ko na ang bawat "bisyo" ay may kabayarang katapat.
Malihim ako ano...well.
Mas lalong bumaba ang pagtingin ko sa mga taong minsan sa buhay nila ay piniling maging selfish sa mga taong kailangan nilang protektahan at pahalagahan. Kasama rito ang mga taong tamalikod sa responsibilidad, walang kaabog-abog nang-iwan sa ere, nanlait sa mga taong sinaktan na nga nila, nanloko, umapak sa karapatan ng iba. Kasama dito ang nag two-time or many-timer, nangaliwa, iniwan ang anak, asawa, o pamilya. Kasama dito ang kabit, mistress, mapagpanggap na asawa or girlfriend. Kasama dito ang mga taong feeling na may karapatan silang manakit at magpahirap ng ibang tao.
Hindi ako malinis. Bunga din ako ng ilan sa pagkakasalang ito. At kahit mahal ko ang magulang ko, HINDI pa rin ako sang-ayon sa ginawa nila. At minsan alam ko rin pinagmumulan din ako ng mga "selfish" na gawaing ito. At bonggang-bongang biktima rin ako ng ilang gawaing ito.
OO may rason ang lahat ng bagay. Minsan siguro ay nakatakdang mangyari ang mga bagay na ito para umusbong sa mundo ang ilan at para naman tumibay ang iba sa mga hamon na dinudulot sa knaila ng mga gawaing ito.
Life is fair ika nga, aanihin mo naman ang tinanim mo e. Kung bugok ang itinanim mo, yun din naman ang aanihin mo. At yan ang nakikita ko ngayon sa ilang tao sa paligid ko na nagtanim ng bugok sa kanilang kabtaan--yung pnahon na pakiramdam nila ay hawak nila ang mundo sa kanilang kamay at lahat ng bagay ay kaya nilang malusutan.
Pero ngayon sa katandaan nila, nakikita ko ang bunga ng mga gawaing ito. Kadalasan sa dapit-hapon na panahon ng buhay nila, sila'y nagiisa, o may aura ng kahihiyan, may kailangan itago, naghahabol at nanglilimos ng pagmamahal. Ang ilan pa nga ay bumibili na lang ng uri ng pagmamahal na available sa kanila. Ang iba nalululong na lang sa bisyo para makalimot. Ang iba mabubuhay na lang sa pantasya na okay sila kahit nag-iisa---pero ang tutuo--malungkot.
Nakakalungkot diba? Ang realidad ay ang lahat ng itinapon mo ay babalik sa iyo. Kahit hindi mo man harapin ang bagay na yan ngayon, babalik din yan sayo sa iyong katandaan. Malakas ka man ngayon at kaya mong maging selfish, tatanda ka din at aanihin ang lahat ng epekto ng pagiging selfish mo.
Tinitignan kita nung isang araw---naawa ako sa'yo. Kung dati takot ako sa iyo at feeling ko ang lakas-lakas ng luob mo para gawin ang bagay na yun na sobrang naapektuhan ang buhay ko, ngayon ang nakikita ko lang ay isang taong talunan. Hindi na ako takot sa iyo. Sorry.
Life is fair, lahat ng iniyak ko dahil sa naging kabaluktutan nyo at inaani nyo na ngayon.
No comments:
Post a Comment